Dennis Trillo Diretsahang Sinabi na 'May ABS Pa ba?'

 



Dennis Trillo Diretsahang Sinabi na 'May ABS Pa ba?'

Photo: Dennis/IG

Ang aktor na si Dennis Trillo ay kasalukuyang inuulan ng batikos dahil sa kanyang kontrobersyal na komento tungkol sa ABS-CBN, na naging unang tahanan niya noong 2001. Sa kanyang TikTok account, maayos na nagtanong ang isang fan kung bakit wala ang kanyang asawa na si Jen sa GMA Station ID at kung totoong lilipat na ito sa ABS-CBN. Sumagot si Dennis ng, "May ABS pa ba?" na sinundan pa ng iba pang mga reply na nakakapagpa-init ng ulo ng mga netizens.


Ang ilan sa mga reply niya ay:

- “Eto ulit oh, may ABS pa baaaah????”

- “Screenshot niyo ulit!!!”

- “Wala akong pake [kung sugurin ako ng mga Kapamilya].”


Dahil dito, marami ang nagbigay ng kanilang opinyon at komento tungkol sa ginawa ni Dennis. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:


1. “Troll behavior na si Dennis kaka tiktok nya.”

2. “Kakahiya naman sa asawa nya na gusto nang lumipat ng ABSCBN.. tigas ng mukha amp!”

3. “Anyare sayo Manong Dennis😅😅😅 Di mo pa nga nlalasap ung labanang BQ at pulang araw naghihinanakit k n agad🤣🤣🤣”

4. “Being boastful doesn’t make you better than others. True greatness comes from humility and respect. Remember, it’s how you treat others that truly defines your character.”

5. “Galawang DDS tong si Dennis Trillo. Kanal na kanal.”

6. “Hala nakakaloka si dennis? ganyan pala sya?”

7. “As a Kapuso fan, pang starlet behavior ang ginawa ng Kapuso naming si Dennis Trillo, kaya hindi nakakapagtakang lagi lang siyang second kina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez.”

8. “I’m giving him the benefit of the doubt since sobrang squammy sumagot nung acct but if it’s him 🥲  (bilang I admire him as an actor and his work, lalo yung Majika days nila ni Angel) that would be very disappointing and saddening.”

9. “Never naman naging alister si dennis trillo, tignan mo ung career niya, hanggang duon na lang talaga. Ni walang kumita na movies, ni walang endorsements na kilala. Kakasad. Char.”

10. “Ito yung aktor na nagbabakla baklaan for clout diba? Dapat nga kami ang magtanong kung may Dennis Trillo pa ba. Kasi tsaka ka lang napapag usapan kapag ginagamit mo ang LGBTQ+ community or kapag gumagawa ka ng controversy tulad nitong sa ABS.


Ang mga reaksyon ng mga netizens ay nagpapakita ng pagkadismaya at galit sa mga komento ni Dennis Trillo. Marami ang nagdududa sa kanyang kredibilidad bilang isang aktor at sa kanyang ugali, lalo na sa mga sinabi niyang pahayag tungkol sa ABS-CBN.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts