Dennis Padilla Nanawagan sa Bangko na Huwag Muna Maningil ng Credit Card Payments

 





Sa gitna ng kalamidad na dulot ng bagyong Carina, nanawagan ang actor-comedian na si Dennis Padilla sa isang bangko na huwag muna maningil ng payment sa credit cards. Sa pamamagitan ng isang Instagram post, hiniling ni Dennis sa Security Bank na palipasin muna ang bagyo bago maningil sa kanilang mga kliyente. 

Photo: Dennis/IG


Ayon kay Dennis, dapat sabihan ng mga boss ng bangko ang kanilang mga agents na itigil muna ang pagtawag at pag-text sa mga kliyente para maningil. "Sa mga Boss ng Security Bank, kindly tell your agents to stop texting and calling sa mga clients para maningil sa credit cards… Palipasin muna ang bagyo!! Help victims pls!!" saad ni Dennis. Dagdag pa niya, dapat munang unahin ang pagkakaroon ng malasakit sa mga tao ngayong panahon ng kalamidad.


Marami namang netizens ang sumang-ayon at nagpakita ng suporta sa panawagan ni Dennis. Ayon sa ilang followers ng aktor, tama ang kanyang sinabi dahil marami sa mga tao ang hindi makapasok sa trabaho dahil sa matinding pagbaha sa Central Luzon. Marami ang nagsabi na dapat munang intindihin ang sitwasyon ng mga tao bago singilin ang kanilang mga utang.


Sa comment section, binigyang-diin ni Dennis ang kanyang panawagan. Aniya, "Nasa baha… Majority ng mga Pinoy dito sa Central Luzon… Tapos utang sa credit card… Puede after typhoon." Ang pahayag na ito ay nagpakita ng kanyang malasakit at pag-unawa sa sitwasyon ng mga kababayan niya, lalo na’t maraming buhay ang naapektuhan ng kalamidad.

No comments:

Post a Comment