Dating Direktor nasi Ronaldo Carballo, Ka Cheapan Diumano ang Segment na EXpecially For You ng It's Showtime

 



Dating Direktor nasi Ronaldo Carballo, Ka Cheapan Diumano ang Segment na EXpecially For You ng It's Showtime

Photo: Ronaldo/IG


Ngayong araw, Hulyo 5, 2024, walang alinlangang ipinost ng dating direktor na si Ronaldo Carballo ang kanyang pagkainis sa segment na "EXpecially For You" ng It's Showtime. Ayon kay Ronaldo, 'hate na hate' niya ang nasabing segment dahil sa ilang kadahilanan.


Sinabi ni Ronaldo na hindi na niya pinapanood ang It's Showtime dahil sa segment na ito. Ayon sa kanya, ang segment ay scripted at napaka-korni. "Hate na hate ko ang segment na ito, kaya di na ko nanonood ng It's Showtime," ani Carballo. Dagdag pa niya, "The segment perse’ is so cheap! Obviously, scripted & very korni."


Bukod dito, diring-diri umano siya sa mga contestants, lalo na sa mga hindi kaaya-aya ang itsura. Parang may mga sira daw ang ulo at walang delicadeza, tila may mga deperensya sa pag-iisip. "Diring-diri ako sa mga contestants, lalo yung mga hindi naman pleasant looking. Ang feeling ko kase, mga sira-ulo silang mga walang delicadeza na may diprensya ang mga pagkatao."


Dagdag pa ni Carballo, napaka-cheap daw ng mga contestant dahil gagawin ang lahat para sumikat kahit hindi nila alam kung mababayaran sila ng tama. "Mga gusto lang sumikat, gagawin lahat ng ka-cheapan. Buti kung nababayaran sila dyan ng maayos na Talent Fee. Ikaw ba naman, kung matino kang tao, haharap ka pa sa National TV para magdrama-drama na mga paiyak-iyak pa kayo? Umaasa pa ng balikan. Nagmamakaawa, habang nakikipagharutan pa sa EX," saad ni Carballo.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts