Dating Direktor na si Ronaldo Carballo, Tinawag na 'Pokpok' ang Bagong Aktres sa FPJs Batang Quiapo

 




Dating Direktor na si Ronaldo Carballo, Tinawag na 'Pokpok' ang Bagong Aktres sa FPJs Batang Quiapo

Photo: Ivana & Kim/IG

Nagpahayag ng panghihinayang ang dating direktor na si Ronaldo Carballo sa pag-alis ni Ivana Alawi sa FPJs Batang Quiapo at tinawag na "pokpok" ang bagong aktres na ipinasok sa serye.


Noong Martes, July 16, 2024, opisyal na ipinakilala si Kim Domingo bilang pinakabagong karakter sa FPJs Batang Quiapo. Ang kanyang pagdating ay inaasahang papalitan ang karakter ni Ivana Alawi na si Bubbles, na aalis na sa serye. Hindi natuwa si Carballo sa pagbabagong ito at hayagang tinuligsa si Kim Domingo.


"Ay, nagpasok na rin ng pokpok na ham actress na isinuka ng GMA7 ang Teleseryeng Batang Quiapo. Nasa trailer na ito tonight for Tuesday episode," sabi ni Carballo.


Inihambing din ni Carballo si Kim kay Ivana, na kanyang pinuri bilang tunay na maganda, sexy, at mahusay na aktres. Aniya, "Sayang kase, umalis na si Ivana Alawi sa show as Bubbles. Si Ivana na tunay na maganda, sexy at tunay na mahusay na aktres."


Dagdag pa ni Carballo, sana raw ay kumuha ng kapalit na kasing ganda at husay ni Ivana. "Sana kumuha man lang sila ng kapalit ni Ivana na maganda rin talaga at mahusay pang aktres. Tulad nung pinalitan ni Ivana si Lovi Poe. Talagang tinalbugan nya ang presence ni Lovi."


Sa kanyang matapang na pahayag, sinabi ni Carballo na walang mangyayari sa karera ng bagong aktres. "Mas maganda; mas sexy at di hamak na mas mahusay si Ivana na aktres kay Lovi. At hindi basta pokpok ang ipinalit na walang talent na isinuka ng kanyang former station ang ipinalit nila kay Ivana. Walang mangyayari sa career nya."


Ang mga pahayag ni Carballo ay nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens, na nagbigay ng kani-kanilang opinyon tungkol sa bagong aktres at sa mga pagbabago sa serye.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts