Dating Direktor na si Ronaldo Carballo, Diumano na mga pokpok at ponstar ang mga ipinapasok sa Seryeng "Black Rider"
Photo: Ronaldo/IG
Kahapon, Hulyo 5, 2024, isang kontrobersyal na post ang ibinahagi ng dating direktor na si Ronaldo Carballo sa kanyang Facebook account, kung saan binatikos niya ang teleserye na "Black Rider" ng GMA network.
Sa kanyang post, tinanong ni Carballo kung bakit tila kung sinu-sino na lamang ang ipinapasok sa serye, at tinukoy pa niya ang mga ito bilang mga "pokpok at pornstars" na hindi marunong umarte. "Kung sinu-sino nang mga tao ang ipinasok sa serye, may mga pokpok at pornstars; at may banyaga pa. Lahat sila’y ni hindi mo ma-consider na mga artista, dahil pawang mga hindi marunong umarte," ani Carballo.
Dagdag pa ni Carballo, puro kababuyan at walang moral na ambag lamang ang naibibigay ng mga bagong pasok sa "Black Rider". "Lahat sila’y walang makatuturang ambag sa 'Black Rider' upang tumagal man lang ang show. Puro kababuyan at kaimoralan lang ang tanging naiambag ng mga pokpok at pornstars."
Hindi rin nakaligtas sa kanyang puna ang mga mahuhusay na artista na kasama sa palabas tulad nina Rio Locsin, Raymond Bagatsing, at Chanda Romero. Ayon kay Carballo, tila nawalan ng saysay ang kahusayan ng mga ito dahil sa mga magagaspang na ugali ng ibang kasama sa palabas. "Ang gagaspang ng mga performances na puro hysteria at sigawan. Ultimo ang mga kilalang mahuhusay na aktor na sina Rio Locsin, Raymond Bagatsing at Chanda Romero, ay pawang mga nawalan ng saysay ang husay dahil nababoy lang sa seryeng ito."
Bukod pa rito, pinuna rin ni Carballo ang kakulangan umano sa abilidad ni Ruru Madrid sa pag-arte. Ayon sa kanya, walang abilidad si Ruru Madrid sa pag-arte kahit kaunti, kaya naman tatapusin na umano ang nasabing serye dahil hindi man lang daw nakabwelo ang ratings ng "Black Rider" sa katapat nitong "Batang Quiapo" ni Coco Martin.
No comments:
Post a Comment