Daniel Padilla Diumano may Pamalit na kay Kathryn Bernardo

 




Totoo nga kaya ang balitang may bagong nobya na ang aktor na si Daniel Padilla? Sa pinakabagong episode ng online show ni Ogie Diaz sa YouTube, napag-usapan ang isyung ito.

Photo: Daniel/IG


Hindi naman kinumpirma ni Ogie ang tungkol sa nasagap na chika dahil wala umano siyang alam hinggil rito. Kwento ni Ogie, isang netizen ang nag-pm sa kanya at tinatanong siya kung mayroon na umanong jowa si Daniel at Amanda raw ang pangalan.


“May nag-pm sa akin. Kasi tinatanong kung mayroon na ring jowa si DJ, si Daniel Padilla. At tinatanong ako, kung totoo po ba na ang pangalan ng bagong girlfriend ni DJ ay Amanda,” saad ni Ogie.


Kaagad itong sinagot ni Ogie at sinabing hindi niya alam kung totoo ang mensaheng natanggap tungkol kay Daniel. Ayon kay Ogie, “Hindi natin alam ‘yan… talagang binabasa lang natin ‘yan at bahala sila… si Daniel, si Kathryn, kung mayroon man silang gustong sabihin sa mga fans.“ Napag-usapan rin nina Ogie at kapwa mga hosts ang hinggil sa balitang pagkakamabutihan nina Kathryn Bernardo at Dominic Roque.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts