Christian Gaza May Isiniwalay Tungkol kay Maris Racal Kaugnay ng Hiwalayan Isyu Nila ni Rico Blanco!



Christian Gaza May Isiniwalay Tungkol kay Maris Racal Kaugnay ng Hiwalayan Isyu Nila ni Rico Blanco!

Photo: Maris/IG

Nagbahagi ng bagong post ang pambansang marites na si Christian Albert Gaza sa kanyang Facebook page ngayong araw, Hulyo 15, 2024, tungkol sa pinag-uusapang hiwalayan nina Maris Racal at Rico Blanco. Sa naturang post, makikita ang larawan ni Gaza na tila nakainom, at sa caption nito mababasa ang mga katagang “SHOT PUNO para sa mga jinowa ng ilang taon pero hindi pinakasalan.”


Sa comment section ng nasabing post, nagbahagi din si Gaza ng isang short video ng kanyang mensahe para kay Maris. Aniya, “Maris, ito lang naman yong akin, noh. Imagine, 51 years old na yan. Ano yan, paghihintayin mo pa ng sampung taon? Di pag kinasal kayo, may 20% discount na yan. Loko ka ba? Kung hindi mo naman pala pakakasalan, wala ka naman palang balak pakasalan, sana di mo na lang jinowa. Sinaktan mo lang eh. Ang gara mo. Gigimik na ko. Ba-bye.”



“Hindi mo na nirespeto ‘yong matanda,” pagtatapos ni Gaza.


Bago ito, nagbigay na ng pahayag si Gaza tungkol sa nalalaman niya hinggil sa diumano’y tunay na dahilan ng paghihiwalay ng dating celebrity couple. Ayon kay Gaza, nagpropose umano si Rico kay Maris ngunit hindi ito tinanggap ng aktres.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts