Celine Dion Nagperform sa 2024 Paris Olympics sa Kabila ng Karamdaman

 



Isang malaking comeback ang nakita ng buong mundo nang muling masilayan ng publiko ang mahusay na singer na si Celine Dion.


Matapos ang dalawang taon mula nang mailantad ang tunay na kalagayan ng singer na si Celine Dion sa pagkakaroon ng Stiff-Person Syndrome, muling itong nagbalik sa kanyang pagkanta sa opening ng 2024 Olympics sa Paris. Inawit ni Celine sa nasabing event ang sarili niyang rendition ng French ballad “Hymne a l’Amour” na orihinal na inawit ni Edith Piaf.


Sa nasabing performance, mapapanood si Celine na kumikinang sa kanyang kasuotan habang tumutugtog ang piano at naiparinig ang kanyang signature high notes sa mga manonood. Isa sa host ng nasabing event na si Kelly Clarkson ay hindi naiwasan ang maging emosyonal. Habang nagsasalita si Clarkson, binigyan nito ng papuri ang performance ng mahusay na mang-aawit.


Kasunod ng kanyang performance, nagpahayag naman si Celine ng pasasalamat sa pamamagitan ng kanyang “X” account. Saad ni Dion, labis umano ang kanyang kagalakan na makapagtanghal sa gabing iyon at nangyari pa ito sa kanyang paboritong lungsod na Paris. Nagpahayag din siya ng suporta sa lahat ng mga atleta na nagbibigay ng sakripisyo at determinasyon para makuha ang inaasam na medalya.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts