Celia Rodriguez: 'Si Angel Talaga ang Pinakamagaling Darna'




Sa isang eksklusibong panayam kay Ogie Diaz, matapang na ipinahayag ng beteranang aktres na si Celia Rodriguez ang kanyang opinyon tungkol sa pinakamagaling na Darna sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Ayon kay Celia, walang iba kundi si Angel Locsin ang pinakamahusay na gumanap sa iconic role na ito.

Photo: Celia/IG ; Angel/IG

"I’ve worked with Marian, I’ve worked with Angel, I’ve worked with Vilma, lahat ‘yan nag-Darna, so I can compare. E, si Angel talaga pinakamagaling," ani Celia. 



Dagdag pa niya, humanga siya kay Angel dahil sa dedikasyon nito sa kanyang pagganap, lalo na't hindi raw ito nagpapadobol sa mga action scenes. Ang ganitong klaseng determinasyon at husay sa pag-arte ang nagpatibay ng kanyang paniniwala na si Angel ang tunay na nagdala ng hustisya sa karakter ni Darna.


Sa dami ng mga naging Darna sa iba't ibang henerasyon, mahalaga ang opinyon ng isang beteranang aktres tulad ni Celia Rodriguez. Marami ang sumasang-ayon sa kanya, at patuloy na nagbibigay pugay kay Angel Locsin para sa kanyang natatanging pagganap bilang Darna.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts