Boy Dila Umiyak Dahil sa Patong-patong na Kaso Hinggil sa Wattah Wattah Festival Scandal

 



Boy Dila Umiyak Dahil sa Patong-patong na Kaso Hinggil sa Wattah Wattah Festival Scandal

Photo: User/X


Si Boy Dila, kilala bilang Lex Castro, ay humarap sa media upang magbigay ng opisyal na pahayag hinggil sa insidente ng pamamasa sa isang delivery rider noong Wattah, Wattah festival sa San Juan City. Bago ito, ipinangako ni Mayor Francis Zamora na bibigyan ng leksyon si Boy Dila. “Ipapatawag ko siya at kakausapin ko siya personally, sisiguraduhin ko na matututo siya ng leksyon. Yung masakit na leksyon na maalala niya habambuhay para hindi niya ulitin ulit,” ayon kay Mayor Zamora.


Nangyari ang paghaharap ni Mayor Zamora at Lex Castro ngayong araw, July 2, 2024. Sa video na ibinahagi ni Mayor Zamora, mapapanood si Boy Dila na mangiyak-ngiyak habang humihingi ng tawad sa mga taong nasaktan sa kanyang ginawa, lalo na sa mismong delivery rider na binasa ng tubig.


“Unang-una po [humihingi] po ako ng pasensya sa ating Mayor sa nagawa ko po dahil po sa akin nasisira po ang San Juan po… Humihingi po ako ng paumanhin sa mga nasabi ko po sa inyo lalong lalo na po sa rider, humihingi po ako ng tawad po sa inyo at gusto ko po kayong makita sa personally na gusto ko po humingi ng paumanhin po,” saad ni Boy Dila. Umapela rin siya sa mga tao na huwag idamay ang kanyang pamilya sa pambabatikos. “Saka sa mga nagbabanta po sa akin, hindi ko na rin po maisip kung ano po… na-stress na rin po ako, kung anu-ano na lang din po ang lumalabas na pagbabanta sa akin lalong lalo na po sa pamilya ko, huwag naman po sana nilang idamay. Kung may galit po sila sa akin, ako na lang po ang anuhin nila dahil masakit din po na nadamay po ang pamilya ko,” saad pa nito.


1 comment:

  1. Mi isip naman pala akala ko sarado na utak, nakiusap si rider na wag syang basain kc mi dalang mga important documents, pero itinuloy mo pa

    ReplyDelete