Bianca Umali Nanindigan na Hindi pa Sila Pwedeng Mag Live-in ni Ruru Madrid Pag Hindi Pa Sila Kasal

 



Bianca Umali Nanindigan na Hindi pa Sila Pwedeng Mag Live-in ni Ruru Madrid Pag Hindi Pa Sila Kasal

Photo: Bianca and Ruru/IG


Bianca Umali ay nanindigan na hindi pa sila magsasama ni Ruru Madrid sa iisang bubong hangga’t hindi pa sila naikakasal. Ayon sa kanya, naka-reserve umano siya para sa taong makakasama niya habang-buhay, at batid niya na si Ruru ang taong iyon, ngunit hihintayin niya na sila ay kasal na bago magsama.


Sa isang panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Hunyo 21, 2024, tinanong ni Boy Abunda ang magkasintahan kung pabor ba sila sa pagsasama sa iisang bubong bago magpakasal. "I know this is before marriage, mapangahas na tanong, is living together something that you even think of?" tanong ni Boy Abunda.


Kaagad itong sinagot ni Bianca at sinabing hindi siya pabor sa ganitong setup. Ayon kay Bianca, hindi pinapayagan sa kanilang relihiyon ang ganoong klase ng relasyon. "Well, alam naman natin na it will be a phase, pero sa ngayon, Tito, especially that we are in our religion as well, it’s not tolerated to live inside one roof nang hindi kayo kasal," sagot ni Bianca.


Dagdag pa niya, dapat maging karapat-dapat siya sa taong mamahalin niya habang buhay, at iyon umano ay si Ruru. "We honor that, because, ako rin po, alam ko na I am reserving myself for that person who I know will love me forever, and alam kong si Ruru ‘yon. Alam kong dadating kami do’n," pagpapatuloy pa niya. Ang sinasabing relihiyon nina Bianca at Ruru ay ang "Iglesia ni Cristo."


Sa nasabing panayam, ibinahagi rin ni Bianca na ang pagiging bahagi ng nasabing relihiyon ay isang personal na desisyon para sa kanyang ika-20 o ika-21 na kaarawan. "Actually, hindi alam ni Ruru. Hindi po alam ng family niya. It was a personal decision of mine kasi that was my 20th birthday or 21st and then inisip ko, Tito, ano po ba ang isang bagay na puwede kong iregalo sa sarili ko na alam kong hindi mawawala sa ‘kin," paliwanag ni Bianca.


Sa kanyang pagmamahal sa kasintahan at ang tinuturing niyang "calling" ang pagiging bahagi ng relihiyon, inaral niya umano ang nasabing relihiyon. "And so nagpatala po ako, and then hanggang sa malapit na po akong mabautismohan at nag-aral ako, dun po nalaman ni Ruru," dagdag ni Bianca.


No comments:

Post a Comment