Andi Eigenmann's Daughter Lilo Turns 5

 


Andi Eigenmann's Daughter Lilo Turns 5

Photo: Andi/IG


Ipinagdiwang ng dating aktres na si Andi Eigenmann ang ika-limang kaarawan ng kanyang anak na si Lilo ngayong araw, July 23, sa pamamagitan ng isang matamis na mensahe sa social media. Si Lilo ay anak ni Andi sa champion surfer na si Philmar Alipayo.


“Lilo is 5! 🎈💕 May that sweet smile of yours always stay with you. I am one lucky moma to have you as a child,” isinulat ni Andi sa caption ng kanyang post.


Nagbahagi ang dating Kapamilya star ng ilang mga larawan ni Lilo mula sa kanyang paglaki at ilang video clips na nagpapakita ng pagiging playful ng kanyang anak.


“Stay awesome, stay cool, stay brave and very kind. We love you, Lilo,” dagdag pa niya.


Si Philmar naman ay hindi rin nagpahuli sa pagmarka ng kaarawan ng kanyang anak. Nag-post siya ng ilang larawan ni Lilo na nag-eenjoy sa kanilang usual hangout activity––surfing.


“5 🎈 Happy birthday nak! Lablab ko kaw karajaw,” ang kanyang mensahe.


Maraming pamilya at mga tagahanga ng aktres ang nagpadala ng kanilang pagbati at wishes sa comment section at Instagram Stories. Matagal nang naninirahan sa isla ng Siargao sina Andi, Philmar, kasama ang kanilang dalawang anak at ang panganay na anak ni Andi kay Jake Ejercito. May ilang negosyo na rin ang pamilya sa isla.


Kamakailan lang, ibinahagi ni Andi na pinapraktis niya ang kanyang barista skills upang maging hands-on sa kanilang cafe business, ang Happy Islanders Surf Club.


“I really want to ensure the quality of our drinks, just like the food items I've made for you at @happyislanders.surfclub,” isinulat niya dati.


Samantala, wala pang anunsyo sina Andi at Philmar tungkol sa kanilang kasal. Naantala ang kanilang orihinal na wedding plans dahil sa pagpanaw ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose mas maaga pa ngayong taon.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts