Andi Eigenmann Naging Mataray Diumano sa Request ng Fans na Makipagselfe

 




Andi Eigenmann Naging Mataray Diumano sa Request ng Fans na Makipagselfe


Photo: Andi/IG


Isang video ni Andi Eigenmann ang naging viral online matapos ipakita ang reaksyon ng aktres sa mga fans na humihiling ng selfie kasama siya. Sa nasabing video, habang kinukuhanan ng litrato si Andi ng isang fan, isang lalaki ang biglang sumingit upang makuha rin ang kanyang litrato. Dahil dito, mapapansin na tila napikon si Andi at sinabihan ang lalaki, “Maybe you can wait for your turn at least, Sir.”


Ang reaksyong ito ni Andi ay nagdulot ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens. Marami ang nagtanggol kay Andi, sinasabing tama lamang ang kanyang ginawa at dapat lang na maghintay ng kanilang turn ang ibang fans. Isang netizen ang nagsabi, "Hindi siya suplada, straight to the point kasi siya at gumamit ng 'Sir.' Tama lang na maghintay muna bago sumingit." Mayroon ding nagsabi na baka may ginagawa lang si Andi at hindi ito ang tamang oras para magpa-selfie.


Sa kabila nito, may ilan din na nagsabing rude ang naging reaksyon ni Andi. Isang netizen ang nagkomento, “Wow, suplada naman ni Andi, ui!” Gayunpaman, mas marami pa rin ang nagtanggol sa aktres, pinupuri ang kanyang pagiging totoo at diretsong pakikitungo sa mga tagahanga. Nanatili ang suporta ng maraming fans kay Andi Eigenmann, pinapakita na ang respeto at tamang pakikitungo ay mahalaga sa anumang sitwasyon.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts