Anak ni Vic Sotto na si Paulina Sotto, Inanunsyo na Siya ay Single Mom na

 



Anak ni Vic Sotto na si Paulina Sotto, Inanunsyo na Siya ay Single Mom na

Photo: Paulina/IG


Inanunsyo ni Paulina Sotto, anak ni Vic Sotto, na siya ay isa nang ‘single mom’ noong Hulyo 17, 2024. Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ibinahagi ni Paulina ang isang larawan kasama ang kanyang anak na si baby Sachi, kung saan binanggit niya sa caption na siya ay single mom na.


Inamin ni Paulina na hindi naging madali ang mga nakaraang linggo para sa kanya, at dumanas siya ng matinding ‘ups and downs.’ Bagaman natapos na ang kanyang relasyon sa asawang si Jed Llanes, hindi siya naglabas ng negatibong salita laban dito. Sa halip, pinasalamatan niya si Jed para sa sampung taon na kanilang pinagsamahan, lalo na't nabigyan siya ng isang magandang anak.


Ayon kay Paulina, “Navigating a new life chapter as a single mom [heart hands emoji] It’s been a crazy last few weeks with lots of ups and downs, but life goes on. Thankful for what the past 10 years have given me—my beautiful daughter. Now on to better things [red heart emoji].”


Matatandaang ikinasal si Paulina kay Jed Llanes noong taong 2017. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay, nagpahayag si Paulina ng pasasalamat at positibong pananaw para sa hinaharap kasama ang kanyang anak na si Sachi.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts