Aljur Abrenica at sng Bagong Kasintahan na si AJ Raval, Ibinida ang Kanilang Date sa Canada

 



Aljur Abrenica at sng Bagong Kasintahan na si AJ Raval, Ibinida ang Kanilang Date sa Canada

Photo: Aljur/IG


Ibinahagi nina Aljur Abrenica at AJ Raval ang kanilang paglalakbay sa Canada sa kanilang mga tagahanga at tagasubaybay. Nag-date sila sa Big Fish Bay, Slave Lake, at nagpost si Aljur ng mga larawan at video kung paano nila ginugol ang kanilang oras na magkasama.


Nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens ang kanilang post. May mga nagkomento ng negatibo, tulad ng, "Buti pa ang kabet, binonding sa ibang bansa, anak man lang hindi." Isa pang netizen ang nagsabi, "Parang walang anak kung mag-post sa social media. Nakakaawa naman ang mga anak niya pag nagkataon dahil sa kagagawan ng ama nila."


Ngunit may mga nagsabing masaya sila para kina Aljur at AJ. Isang netizen ang nagkomento, "Wow! Nice place, Aljur! Bagay kayo ni AJ, happy for you." Samantalang ang iba naman ay nagsabi na huwag nang pakialaman ang buhay ng mga artista at hayaan na lamang silang maging masaya.


Nagpost si Aljur ng isang larawan at video kung saan makikita kung paano sila nag-spend ng quality time na magkasama. Ang post na ito ay nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. Narito ang ilan:


– “Buti pa ang kabet, binonding sa ibang bansa, anak man lang hindi.”


– “Parang walang anak kung mag-post sa social media. Baka akala nila hindi na makikita ng mga anak nila ang mga pinopost nila. Baka paglaki ng mga bata, bullyhin sila sa school dahil sa tatay nila. Nakakaawa naman ang mga anak niya pag nagkataon dahil sa kagagawan ng ama nila.”


– “Andami ng bashers, ayoko nang sumali pa. Bahala kayo sa buhay niyo. As long as masaya kayo…pag di na kayo masaya sa isa’t isa, hanap ulit ng iba.”


– “Makapanghusga talaga ang mga tao, sobra. Kasalanan ba nilang magmahalan? Natuturuan ba ang puso kung sino ang mamahalin nito? Kaya walang asenso ang Pilipino dahil may mga katulad niyong mga marites. Pinapakialaman niyo ang buhay ng iba, bakit kaya ang buhay niyo ang hindi niyo bigyang pansin kaysa sa mga pagkakamali ng mga artista?”


– “Wow! Nice place, Aljur! Bagay kayo ni AJ, happy for you.”


No comments:

Post a Comment

Popular Posts