Xian Lim Diretsahang Sinabi na Hindi sya ang Nakipag break kay Kim Chiu

 



Xian Lim Diretsahang Sinabi na Hindi sya ang Nakipag break kay Kim Chiu

Photo: Xian Lim/IG


Muling nagsalita si Xian Lim kaugnay sa hiwalayan nila ng aktres na si Kim Chiu, na maalalang umabot ang kanilang relasyon ng 12 taon. Sa panayam ni Boy Abunda sa programang Fast Talk, natanong ang aktor kung magkaibigan pa ba sila ni Kim matapos ang kanilang hiwalayan.


"Of course. Nagulat ako sa tanong. Of course, yes," aniya. Ayon pa kay Xian, hindi na raw sila nagka-usap ni Kim mula nang sila ay naghiwalay.


"When that night happened, maayos 'yung pag-uusap namin. Of course, merong iyakan, but there was that assurance na we—we went through 12 years, 'di ba? 12 years of our existence, so it has that respect, you know?" dagdag pa niya.


Sinabi rin ni Xian na hindi siya ang nag-initiate ng hiwalayan nila ni Kim. "To be completely honest, I wasn't the one who engaged in the separation. 'Yun lang po siya. It's that simple. I wasn't the one who initiated the breakup," sabi ni Xian.


Ang mga pahayag ni Xian ay nagbigay-linaw sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan at nagpakita ng respeto at pagmamahal na mayroon sila para sa isa't isa, kahit na hindi na sila magkasama bilang magkasintahan.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts