Xian Lim at Pamilya, Nakatanggap ng Death Threats Matapos ang Hiwalayan kay Kim Chiu






Xian Lim at Pamilya, Nakatanggap ng Death Threats Matapos ang Hiwalayan kay Kim Chiu

Photo: Xian Lim/IG


Nakatanggap umano ng death threats ang aktor na si Xian Lim, pati na rin ang kanyang pamilya, matapos silang maghiwalay ng aktres na si Kim Chiu. Sa isang panayam, ibinunyag ni Xian na samu't-saring akusasyon ang kanilang natanggap at pati ang kanyang pamilya ay nadamay sa kontrobersiya.


“It’s gotten out of hand na and that’s just the painful part of it. Sasabihin nila na nag-iingay si Xian because may pelikula. I do not deserve the false accusations, the lies being spread,” pahayag ni Xian. 


Dagdag pa niya, “I’m getting death threats, my mom is getting death threats—that’s the gravity of the situation I’m dealing with na. My family does not deserve that.”


Ayon pa sa aktor, naiintindihan niya kung bakit nagagalit ang ilang netizens ngunit iginiit niya na matagal na silang hiwalay ni Kim bago siya nakipag-date sa film producer na si Iris Lee.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts