Vice Ganda Walang Balak Mag Sorry sa "EXpecially For You" Searchee Kahit Diumano Napahiya ang Serchee sa National TV

 



 Vice Ganda Walang Balak Mag Sorry sa "EXpecially For You" Searchee Kahit Diumano Napahiya ang Serchee sa National TV

Photo: Vice Ganda/IG


Binawi ng *It's Showtime* host na si Vice Ganda ang kanyang paghingi ng tawad kay Axel Cruz tungkol sa "Nakaw na Halik" issue. Matatandaan na sa kanyang tweet, sinabi ni Vice na magsosorry siya kay Axel dahil inisip niya na na-offend si Christine sa akmang paghalik ni Axel. Sa kanyang tweet, sinabi niyang, "Sorry na mali ang reaction ko. Ang dating kasi sa akin at sa iba, eh na-off si girl na sinunggaban siya ng halik at I thought na she felt violated. Since hindi naman pala I will apologize to the guy.”


Ngunit sa June 4 episode ng *It's Showtime*, binawi ni Vice ang kanyang naunang pahayag. Ayon kay Vice, hindi niya kailangang mag-sorry dahil tama ang kanilang ginawa. "Binabawi ko yung twineet ko na I will say an apology because I do not need to apologize for what I did," sabi ni Vice. Ipinaliwanag pa niya na sa kanilang pagsusuri, kasama ang mga psychologist at mga producer ng show, napatunayan nilang hindi komportable si Christine sa ginawa ni Axel.


Dagdag pa ni Vice, ang pag-call out nila kay Axel ay ginawa upang protektahan si Christine at igalang ang kanyang nararamdaman bilang isang babae. “Talagang na-off siya at may naramdaman siyang hindi siya komportable sa ginawa nung searchee,” ani Vice. Sinabi rin niya na karapatan ng isang babae na tumanggi at umalma kung hindi siya komportable sa kilos ng sinuman sa harap niya. Bilang host ng programa, obligasyon nilang protektahan ang kanilang mga bisita at tiyaking hindi natatapakan ang kanilang mga boundary.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts