Vice Ganda Napikon nga ba sa Searche ng It's Showtime Kaya Ayaw Mag Apology?




Vice Ganda Napikon nga ba sa Searche ng It's Showtime Kaya Ayaw Mag Apology?

Photo: Vice Ganda/IG


Trending at usap-usapan ngayon sa social media ang official statement ng mga host ng "It's Showtime" sa kanilang live broadcast tungkol sa insidente noong May 31 sa segment na "Especially For You". Ang kontrobersya ay nagsimula nang pag-call out kay searchee Axel Cruz dahil sa akmang pagbeso nito kay searcher Christine.


Sa episode ngayong araw, Hunyo 4, naglabas ng pahayag si Vice Ganda kasama ang iba pang host. Ayon kay Vice, binabawi niya ang kanyang nasabi sa tweet tungkol sa pagso-sorry kay Axel. Matatandaan na nagtweet si Vice na mag-aapology siya kay Axel dahil namali ang kanilang reaksyon. Ngunit sa tulong ng mga psychologist at buong pamunuan ng "It's Showtime", napagdesisyunan nila na hindi na kailangan magsorry sa pag-call out.


Ayon kay Vice Ganda, kung sakaling hindi nila nacall out ang ginawa ni Axel, sila ang mako-call out ng netizens dahil hinayaan nila ang nangyari. Nagbase umano sila sa mga nasaksihan nila sa studio at sa reaksyon ni Christine na matapos ipatawag muli, ay umamin na siya ay na-offend sa naging aksyon ni Axel.


May rason umano si Christine kung bakit gumawa ito ng Tiktok video at sinabing hindi siya na-offend at namisinterpret lamang ng mga host ang kanyang reaksyon. Maging si Axel ay nakausap rin ni Vice Ganda at nagsorry ito kay Vice dahil nabatikos ng husto ang host dahil sa nangyari. Aminado naman umano si Axel na mali ang kanyang ginawa kaya naman tinutulungan sila Christine at Axel na iproseso ang mga nangyari noong Mayo 31.


### Pahayag ni Vice Ganda


"I said I will say an apology, ngunit bago ko ‘yun gawin dito sa Showtime, ay nag-usap-usap kami ng staff, ng aming management, ng aming unit head, ng aming mga producers, at kaming mga hosts, at pinag-aralan namin ang mga nangyari. Kasama na rin ang mga psychologists ng Showtime…at nakausap po namin muli si Christine at Axel. At dahil po doon… Binabawi ko po ang tweet ko na I will say an apology, because I don’t need to apologize for what I did. Ito ang aking paniniwala at paniniwala rin namin na hindi naman kailangan mag-apologize because what we did is right."


"Again, nakausap namin sila, at si Christine, base doon sa Tiktok video at sinabi niyang hindi siya na-off and it was okay. Pero nakausap ulit namin siya ng aming staff, producers, at mga psychologists, inamin niyang talaga namang na-off siya. Meron siyang naramdaman, na hindi siya komportable, sa ginawa ng searchee. Meron siyang dahilan kung bakit sinabi niya 'yon sa Tiktok, na hindi na rin namin isi-share…"


Sa kabila ng lahat, naninindigan si Vice Ganda at ang buong "It's Showtime" na tama ang kanilang naging hakbang sa pag-call out kay Axel Cruz.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts