Trina Candaza Naglabas ng Hinanakit ng Loob Pagkatapos Sya Iwan ni Carlo Aquino at Nagpakasal sa Iba Babae
Photo: Trina/IG
“Baka hindi ako enough, kaya ganun,” mga salitang binitiwan ni Trina Candaza na nagmarka sa puso ng maraming nanonood sa kanyang interview isang taon na ang nakalilipas. Sa bawat kataga, ramdam ang sakit at hirap ng isang ina na piniling maging single mom. Kudos sa lahat ng single moms out there!
### “Hindi Buo yung Family ng Anak Ko”
Ikinuwento ni Trina ang isang pangyayari na naganap noong nag-check-in sila sa isang hotel. “May nakita siyang bata at lalaki.. sabi niya ‘Daddy’. Syempre may kirot.. hindi buo yung family ng anak ko,” pagbabalik-tanaw ni Trina. Ang mga sandaling ito ay nagdadala ng masakit na paalala na hindi kumpleto ang pamilyang kanyang pinangarap para sa kanilang anak.
### “Mas Iba Pala Siya Pag Nagkaroon na Kayo ng Anak”
Ayon kay Trina, masaya naman ang kanilang relasyon noon ni Carlo, ngunit nagbago ito matapos silang magkaanak. “Okay naman kami noon, masaya kami, in-love naman kami. Pero mas iba pala siya pag nagkaroon na kayo ng anak. Mas kikilalanin niyo pa yung isa't isa,” ani Trina. Sa pagtutok ng kamera, bakas ang lungkot at pangungulila sa kanyang mga mata habang isinasalaysay ang kanilang pinagdaanan.
### “Gusto Kong i-Work Out yung Relationship Namin”
Sa pag-usisa ni Ogie Diaz kung may kutob ba siya na may nabago, sagot ni Trina, “Of course po Mama Ogs, kasi gusto kong mag-work, eh. So kailangan kong i-address yung issue namin. Gusto kong i-work out yung relationship namin. I tried naman eh pero hindi ko na kaya.” Sa kabila ng kanyang pagsisikap na ayusin ang kanilang relasyon, hindi na ito nagawa ni Trina.
### “Baka Hindi Ako Enough, Kaya Ganun”
Isa sa mga pinakamasakit na bahagi ng interview ay nang aminin ni Trina na nagdesisyon siyang umalis dahil hindi niya matanggap ang sitwasyon. “Nasa sa akin na lang to kung gusto kong ituloy tong pagkabuo ng pamilya namin o hindi. Dedepende siya kung kaya kong tanggapin na lang na ganu'n. I tried.. I tried na tanggapin na lang na ganun na baka hindi ako enough, kaya ganun. Kasi hindi naman ako perfect. Kaso hindi ko kaya eh, kaya nagdecide ako na umalis,” sabi ni Trina.
### “Kung Kaya Kong I-endure yung Pain Siguro Pwede Kaming Mag-Stay”
Sa kanyang emosyonal na pag-amin, sinabi ni Trina na wala na talagang pag-asa ang kanilang relasyon. “Wala na talaga eh, hindi na talaga mag-wowork. Kailangan ko nang umalis because I don't have a choice. Kung kaya kong i-endure yung pain siguro pwede kaming mag-stay,” pagbabahagi niya. Dagdag pa niya, nagkaroon siya ng malaking pagbagsak sa timbang dahil sa stress at sakit ng loob.
### “Forgive But Not Forget”
Nagbigay din siya ng payo sa mga kapwa single moms at sa mga nasa parehong sitwasyon. “Kung may pinupuntahan na agad na babae.. wag na kayo umasang magbabago pa yung jowa niyo na sakit sa ulo,” ani Trina. Aniya, pinipilit niyang patawarin ngunit hindi makakalimutan ang mga pinagdaanan niya.
### “Sana Siya Na”
Sa kabila ng lahat, umaasa pa rin si Trina na makakatagpo ng tamang tao para sa kanya at sa kanyang anak. “Pinagdadasal ko talaga na kung hindi para saakin yung lalaki, wag ko nang ma-meet, wag na mapunta sa buhay ko kasi ayoko na ng heart break. Kung may dadating man na lalaki. Sana siya na. Ayoko nang magpapalit-palit or kumilala ng panibagong tao,” pahayag niya.
Sa mga salita at damdaming ibinahagi ni Trina, marami ang naantig at naantig ang mga damdamin. Ang kanyang kwento ay sumasalamin sa maraming single moms na patuloy na lumalaban para sa kanilang mga anak, kahit pa sa kabila ng mga sakit at pagsubok na kanilang pinagdaraanan.
No comments:
Post a Comment