Trending na Amlam Couple, Binigyan ng Bonggang ‘Take 2 Wedding’

 

Ang Amlam couple na sina Janine at Jovi ay nakatanggap ng napakagandang ‘Take 2’ wedding matapos mag-viral ang kanilang kwento. 


Maraming tao ang nagbigay ng tulong upang maisakatuparan ang kanilang pangarap na kasal. Mula sa catering, photography, hanggang sa wedding gown, lahat ay sinagot ng mga sponsors.


Noong June 8, 2024, naganap ang unang kasal nina Janine at Jovi sa Amlan, Negros Oriental. Ngunit, dahil sa hindi pagkakaintindihan, minadali ng pari ang seremonya. Bunsod ng pangyayari, hindi naiwasan ng mag-asawa na maglabas ng sama ng loob sa kanilang social media accounts. Ayon kay Janine, nadismaya sila dahil sa maling impormasyon mula sa kanyang ninang na nagtatrabaho sa simbahan. Minadali sila ng pari at pinagalitan pa, at hindi na rin nasabi ang "Kiss the Bride" na pinakahihintay ng lahat. Hindi rin nagawa ang pirmahan ng marriage contract dahil sa pagmamadali.


Marami ang nakisimpatiya sa mag-asawa, at ang kanilang viral post ay nagdala ng tulong mula sa iba't ibang tao. Maraming nagboluntaryo para gawin ang "Take 2" kasalan para sa kanila. May mga nag-alok bilang wedding coordinator, catering, at may nagsponsor ng gown at suit ng couple. Noong June 17, 2024, isang napakaganda at engrandeng kasalan ang naganap para sa 'Take 2' wedding ng couple. Halos hindi makapaniwala sina Janine at Jovi na mararanasan nila ang ganitong kagarbo na kasal. Nagpahayag ng pasasalamat si Janine sa lahat ng tumulong sa kanila upang matupad ang kanilang pangarap na kasal.


**THE WEDDING TAKE 2 of JANINE & JOVE DEO**


**SPONSORS:**


- **Head Organizer:** John Lester Barot (Premiere Violinist of Visayas)

- **Coordinators:** Nix Productions | Nikki Renacia, Think Unlimited | Calvin Peñero, Stephen Intong Productions | Stephen Intong

- **Stylist:** Creative Concepts | Grace Sycip, Chic Impressions | Nikki Yee, WED | Agnes Tuale, Nilo Styling Events | Nilo Arroyo, Simple Creation by Athena | Ken Cantere, Partyholics | Anna Ballenger, Minimalist Events & Style | Justin Cid Balauro

- **Make-Up & Wardrobe:** Make-Up | Jowniefied by John Lord Cornello, Gown | Anthony Sinco

- **SDE Photo & Video:** SDE Video | FoxDesign Studios, SDE Photos | Kairos Films

- **Photography:** Justin Ray Photo | Justin Ray, Shutter Brylle | Nil Brylle Escala, White Space Studios | Jeben Taob, Squishy Productions | Niqou Joseph Fernandez

- **Sweets & Desserts:** Sans Rival, Bayawan & Santa Catalina Team, Antonelli’s Cuisine, Cake Sponsors | Nene Antivas Homemade

- **Drinks:** Kapeng Lokal, Flairemoore, Rufino’s, Optimum, Bounce Mobile

- **Technical Team:** Lights, Sound & LED WALL | Net Solutions, Amlan LGU

- **Food:** Kazandria’s, Babyjan, Tofi’s, Lechon Sponsors | Silogan Avenue

- **Stations:** Spincam Duma | Abby Chua, Wacky Pose | Rhiyad Maturan, Simply Alex, EZ Perfume, Fragrance by Rai, Craftyhands Duma

- **Transportation Sponsor:** Dongdo Cordova | Bridal Car


Photo: User/FB


#AmlamCouple #JanineAndJovi #Take2Wedding #Trending #WeddingGoals #ViralStory #CommunitySupport #WeddingOfTheYear #LoveWins #BlessedCouple

No comments:

Post a Comment