Sexy Star na si Sunshine Guimary Nagluluksa sa Pagpanaw ng Kanyang Asawa

 


Sexy Star na si Sunshine Guimary Nagluluksa sa Pagpanaw ng Kanyang Asawa


Isang nakakaantig na tagpo ang ibinahagi ng sexy star na si Sunshine Guimary sa kanyang social media pages. Sa pinakabagong video upload sa Facebook page ng aktres, mapapanood ang paghagulgol nito habang yakap ang isang casket. Sa caption ng video, mababasa ang mga salitang “Asawa ko.” Napag-alaman na pumanaw ang asawa ni Sunshine na si Ed kahapon, June 20, 2024, dahil sa paglaki ng puso o heart enlargement.


Bukod dito, wala nang anumang detalye na ibinahagi pa si Guimary pero mababatid na tila bagong kasal lamang sila ni Ed. Sa IG account ng sexy star, nagbahagi pa ito ng mga throwback pictures kuha sa kasal nila ni Ed. Tatlong larawan ang ibinahagi niya pero ang huling larawan ay siyang nagpaiyak sa marami niyang followers. Sa unang larawan, makikita si Sunshine habang naglalakad suot ang kanyang white wedding gown. Sa pangalawang larawan naman, makikita ang ‘first kiss’ nila ng asawa. Sa pangatlo, makikita naman ang tagpo kung saan nakatunghay si Sunshine sa asawang nasa loob ng casket. Sa caption nito, sinulat ng aktres ang mga salitang “See you soon babe [heart broken emoji].”


Maraming celebrities ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa aktres. Kabilang sa mga nagkomento ay ang ilang kapwa aktor at aktres na nagpahayag ng kanilang suporta at pakikiramay sa panahon ng kalungkutan ni Sunshine.


Photo: Sunshine/IG


#SunshineGuimary #Pagluluksa #Condolences #CelebrityNews #Heartbreaking


No comments:

Post a Comment

Popular Posts