Senator Robin Padilla sa Hiwalayang KathNiel: Magkakabalikan ‘Yan




Senator Robin Padilla sa Hiwalayang KathNiel: Magkakabalikan ‘Yan

Photo: Robin/IG


Sa isang panayam ng Abante Tonite, ipinahayag ni Senator Robin Padilla ang kanyang paniniwala na magkakabalikan pa sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Naniniwala ang actor-politician na darating ang panahon na mabibigyan muli ng pagkakataon ang dalawa na magsama sa isang proyekto, at kapag nangyari ito, mas magiging mature na sila.


Ayon kay Robin, "Ganyan talaga ang pag-ibig, sa simula may tampuhan dahil mga bata pa sila pero pag nag-mature sila mare-realize nila na sila pa rin sa isa’t-isa. Tingnan mo ‘pag nagkapelikula uli ‘yang dalawa magkakabalikan yan."


Sa kabila ng pagiging aktibo sa pulitika, inamin din ni Robin na boto siya kay Kathryn para sa kanyang pamangkin na si Daniel, kahit pa hindi siya ibinoto ng aktres noong nakaraang eleksyon. "Boto ako kay Kathryn kahit hindi niya ako binoto," pagtatapat ni Robin.


Ipinahayag din ng senador na nais niya talagang magkatuluyan ang dalawa at tinatanaw ng buong pamilya Padilla ang malaking kontribusyon ni Kathryn sa karera ni Daniel. "Ang buong Padilla ay malaki ang pagpupugay namin kay Kathryn dahil nagbigay rin ng break kay Daniel kaya ang paggalang namin kay Kathryn ay sobra-sobra," saad pa ni Senator Padilla.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts