Senator Robin Padilla Malakas ang Kutob na Magkakabalikan ang KathNiel

 



Senator Robin Padilla Malakas ang Kutob na Magkakabalikan ang KathNiel


Naniniwala si Senator Robin Padilla na magkakabalikan sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa panayam ng Abante Tonite, sinabi ni Robin na pag nagkaroon ng proyekto ang dalawa na magkasama, posibleng magkabati at magbalikan sila. "Ganyan talaga ang pag-ibig, minsan may tampuhan, pero ‘pag nag-mature sila, mare-realize nila na sila pa rin sa isa’t-isa," ani Robin.


Bukod dito, inamin ng senador na boto siya kay Kathryn para sa pamangkin niyang si Daniel. Kahit hindi siya ibinoto ng aktres noong nakaraang eleksyon, mataas pa rin ang kanyang respeto at paghanga kay Kathryn. 


"Ang buong Padilla ay malaki ang pagpupugay kay Kathryn dahil sa malaking kontribusyon niya sa karera ni Daniel," dagdag ni Robin. Gusto umano niya na magkatuluyan ang dalawa dahil naniniwala siya sa kanilang pagmamahalan at potensyal na muling magkasama sa hinaharap.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts