Ryan Bang at GF na si Paola Huyong Engaged na

 



Ryan Bang at GF na si Paola Huyong Engaged na

Photo: Ryan Bang/IG


Masayang ibinahagi ni Paola Huyong sa kanyang Instagram account ngayong araw, June 29, 2024, na engaged na sila ng kanyang nobyong si Ryan Bang. Sa pinakabagong social media update ni Paola, makikita ang ilang larawan kuha sa wedding proposal na ginawa ni Ryan Bang kagabi, June 28, 2024. Kinakiligan ng mga netizens ang isa sa mga larawan kung saan makikita ang mismong pagluhod ng komedyante habang hawak ang isang engagement ring. Si Paola naman tuwang-tuwa na tinanggap ang nasabing proposal.


Noong nakaraang linggo, dinala ni Ryan Bang ang pamilya ni Paola sa South Korea. Ito ay hindi lamang upang ipasyal ang pamilya ng kanyang nobya, kundi upang magkakilala na rin ng personal ang kani-kanilang pamilya. Kasunod ng engagement nina Ryan at Paola, marami naman ang nagpaabot ng pagbati sa dalawa, kabilang na ang “It’s Showtime” family ni Ryan.


Komento ni Karylle, “Crying!!!!!!! I’m so happy! Congrats you two!!!! Happy anniversary engagement!!!!!!!!!!!! Woohooooooooooo.” 


Ayon naman kay Jackie, “OHEMGEEEE!!!!!!! Congratulations.” 


Ayon kay Amie, “Congratulations Pao and Ryan!!! ❤️❤️❤️.”


“Our hearts are so happy for you both,” ayon kay Ogie Alcasid.



Samantala, sobrang na-touch naman si Vice Ganda sa gesture na ginawa ni Ryan kung saan sa kanya umano unang sinabi ng comedian-host ang hinggil sa planong pagpo-propose kay Paola.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts