Rudy Baldwin May Babala Tungkol sa Dalawang Sikat na Radio Personality

 



Rudy Baldwin May Babala Tungkol sa Dalawang Sikat na Radio Personality


Trending ngayon ang post ni Rudy Baldwin na nagsasabing may nakita siyang vision tungkol sa dalawang kilalang radio personality. Ayon kay Baldwin, malagim ang tagpo sa kanyang vision kung saan masasawi ang dalawang personalidad sa magkaibang pagkakataon. Ang isa ay masasawi sa isang aksidente sa himpapawid, habang ang isa naman ay masasawi sa aksidente sa daan sakay ng kotse.


Hindi pinangalanan ni Baldwin kung sinu-sino ang tinutukoy niya, ngunit nagbigay siya ng ilang clue. Sinabi niya na ang mga ito ay sikat at kinagigiliwan ng mga tao dahil sa kanilang husay sa hosting, maging sa drama o pagbabalita. Dagdag pa ni Baldwin, mabibigla umano ang mga tagahanga sa sasapitin ng mga taong kanyang tinukoy. Sa kanyang buong pahayag, binigyang-diin ni Baldwin ang pagiging kilala ng mga personalidad at ang matinding impact ng aksidente.


Sa comment section ng nasabing post, mababasa ang pag-aalala ng mga tao para sa mga tinukoy ni Baldwin. May ilan pang nagsabi na dapat kausapin mismo ng nasabing manghuhula ang mga taong tinukoy upang makapaghanda at makaiwas sa disgrasya. Gayunpaman, matagal nang in-address ni Baldwin ang hinggil rito, sinasabing hindi niya pwedeng sabihin sa mismong tao ang hinggil sa vision dahil baka siya ay mademanda. Si Rudy Baldwin ay kilala sa online community dahil sa kanyang mga vision na pina-publish niya para sa kanyang mga followers, at ayon sa kanya, lahat ng kanyang mga hula ay nagkakatotoo. 


Photo: Rudy/IG


#RudyBaldwin #RadioPersonality #Vision #Accident #SikatNaPersonalidad


No comments:

Post a Comment

Popular Posts