Rosmar Tan Sising-sisi sa Nagawang Eskandalo Kasama si Rendon sa Coron, Palawan

 


Rosmar Tan Sising-sisi sa Nagawang Eskandalo Kasama si Rendon sa Coron, Palawan 


Humingi ng paumanhin si vlogger at negosyante na si Rosmar Tan sa mga taong nasaktan niya sa kanilang kamakailang pagbisita sa Coron, Palawan. Kasama ni Rosmar si vlogger Rendon Labador at ang mga miyembro ng 'Team Malakas.' Ayon kay Rosmar, na-trigger lamang siya ng insidente at humingi ng pang-unawa mula sa mga netizens.


Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Rosmar: 


“Rendon Labador to Rendon Lablab na ituu❤️


Ayan, BACK TO ZERO ka na naman kuya Rendon HAHAHA. Actually, sobra kami nag-pangaral sa kanya na maging mabait kasi mabait naman talaga siya kaya sinama namin siya sa mga ganap at charity. Madami din ako nabasa na ‘BAKIT SUMASAMA DAW AKO KAY KUYA RENDON NAHAWA DAW TULOY AKO KAYA WAG NA AKO SUMAMA.’


Guys, pasensya na, na-trigger lang talaga ako at may mali din talaga pero nakasama din talaga namin si kuya Rendon at mabait din naman talaga siya. 🥰❤️ Hayaan nyo, sermonan natin HAHAHA.”


Dagdag pa ni Rosmar, nag-usap na ang Team Malakas upang ayusin ang mga pagkakamali nila. "Nag-usap-usap na kami Team Malakas para maiayos mga mali na nagawa namin. Again, pasensya na po sa mga naapektuhan. Mamayang gabi post po namin ang PUBLIC APOLOGY from our team na hinihintay ng lahat. 🥰❤️ Nasaktan kami sa nangyari pero aminado kami na nagkamali din kami, tao lang. Patawad. #TeamMalakas”


Photo: Rosmar/IG


#RosmarTan #RendonLabador #TeamMalakas #CoronPalawan #PublicApology #Triggered #Paumanhin #ViralIncident #Paninindigan #Pagbabago


No comments:

Post a Comment

Popular Posts