Rosmar Tan Naawa kay Jiro Manio, Binigyan ng Trabaho

 



Rosmar Tan Naawa kay Jiro Manio, Binigyan ng Trabaho


Nag-trending sa social media ang balita na binigyan ng trabaho ni Rosmar Tan ang dating child star na si Jiro Manio. Ngayong araw, Hunyo 20, 2024, nagbahagi si Rosmar ng ilang screenshots ng kanilang pag-uusap kung saan mababasa na naghahanap ng trabaho si Jiro. Sa kanilang pag-uusap, makikitang tuwiran nang nag-apply ng trabaho ang aktor kay Rosmar, kahit pa nahihiya ito. Ayon kay Jiro, nais niyang magkaroon ng trabaho kahit ano pa mang posisyon upang may maipakain sa kanyang anak.


Hindi nagdalawang-isip si Rosmar na tanggapin si Jiro bilang isa sa mga service crew sa kanyang restaurant na "R Mansion, Tagaytay Resort." Bukod dito, stay-in ang trabaho ni Jiro at libre ang pagkain, kaya naman labis ang pasasalamat nito kay Rosmar. Simula bukas, Hunyo 21, magsisimula na si Jiro sa kanyang bagong trabaho. Marami ang humanga sa kabutihang-loob ni Rosmar, at ayon sa mga netizens, kaya siya pinagpapala ay dahil sa kanyang malasakit sa kapwa.


Maraming tagahanga ni Rosmar ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa kanyang ginawang pagtulong kay Jiro Manio. Isa sa kanila ang nagsabi, "Tama yan, napakabuti ni madam Rosemarie Tan Pamulaklakin, binigyan niya ng second chance si Jiro Manio at sana huwag ito sirain ni Jiro." Ang isa pang netizen ay nagsabi, "Blessing ka po talaga mam sa nakararami, ingat po kayo palagi and Godbless po sa buong family at team nyo." Ang positibong reaksyon ng mga netizens ay patunay ng malaking tiwala at respeto nila kay Rosmar dahil sa kanyang patuloy na pagtulong sa mga nangangailangan. 


Photo: User/FB

#RosmarTan #JiroManio #SecondChance #Kindness #Blessings


No comments:

Post a Comment

Popular Posts