Rosemar Nadikitan nga ba ng Kamalasan ni Rendon - Idineklarang ‘Persona Non Grata’ sa Coron, Palawan

 



Rosemar Nadikitan nga ba ng Kamalasan ni Rendon - Idineklarang ‘Persona Non Grata’ sa Coron, Palawan


Idineklara nang persona non grata ang mga online personalities na sina Rosemar Pamulaklakin at Rendon Labador kasama ang Team Malakas sa buong Palawan. Ito ay kasunod ng insidente na kinasangkutan ng grupo laban sa isa sa mga staff ng munisipyo ng Coron. 


Kahapon, Hunyo 18, 2024, inaprubahan sa Sangguniang Panlalawigan sa unang pagbasa at final reading ang resolusyon. Ang tanging hinihintay na lamang ay ang pirma ng Gobernador upang maging pinal ang pagpapatupad nito. Bukod dito, pinag-aaralan rin ang posibilidad ng pagsasampa ng kaso laban kina Rosemar at Rendon, tulad ng oral defamation o anumang mas mabigat na kaso, dahil sa kanilang inasal sa Coron. 


Ayon kay 3rd District Board Member Rafael ‘Jun’ Ortega, hindi sapat ang persona non grata lamang. "If I may suggest kay Board Member Anton. Kasi kung Persona Non Grata lang ‘yan, it’s just an expression of sentiment na you are not welcome in Palawan but anong epekto nung isang Persona Non Grata ka lang? Tingin ko baka pupwedeng pag-aralan natin," ayon kay Ortega. Dagdag pa niya, "Humingi tayo ng suwestiyon sa ating mga legal minds kung pupwede anong isampa nating kaso dito? Dahil tinitingnan ko baka pupwede siyang kasuhan ng oral defamation or kung ano pang mas greater offense na mas pwedeng i-kaso sa kanya. Para madala yung ganitong mga tao."


Photo: Rosmar/FB


#RosemarPamulaklakin #RendonLabador #PersonaNonGrata #CoronPalawan #TeamMalakas #OralDefamation #PalawanResolution #LegalActions #PublicBehavior #LocalGovernment


No comments:

Post a Comment