Richard Gutierrez at Barbie Imperial Sinisektreto Diumano ang Love Affair

 


Richard Gutierrez at Barbie Imperial Sinisektreto Diumano ang Love Affair

Photo: User/IG

Usap-usapan ngayon sa social media ang balita tungkol sa diumano’y pagde-date nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial. Sa pinakabagong episode ng "Ogie Diaz Showbiz Updates," natalakay ang dalawa kung saan may kumpirmasyon si Ogie Diaz tungkol sa kanilang relasyon. Kamakailan lamang, naging laman ng social media ang dalawa matapos maispatan na magkasama sa South Korea.


Sa kanyang episode, ibinahagi ni Ogie Diaz na kumpirmadong exclusively dating na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial. Ayon kay Ogie, walang kinalaman umano si Barbie sa hiwalayan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. 


“Kumpirmado exclusively dating na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial ayon sa aming very reliable source. Walang overlapping na naganap at hiwalay na umano sina Richard at Sarah bago pa pumasok sa eksena si Barbie,” ayon kay Ogie Diaz.


“Last year pa hiwalay umano ang mag-asawa, pareho ng single at co-parenting na lang sa kanilang dalawang anak… Si Barbie ay ngayong taon lang nakapalagayan ng loob ni Richard… Barbie had nothing to do with the hiwalayang isyu.”


Maraming netizens ang nag-aabang ngayon sa magiging reaksyon ni Annabelle Rama sa napapabalitang relasyon nina Richard at Barbie. Kilala si Annabelle Rama na prangka at direkta magsalita kapag may mga opinyon ito na gusto niyang sabihin lalo na pagdating sa relasyon ng kanyang mga anak.


Matatandaan na naging matunog ang usapan ng pamilya matapos lumabas ang mga isyu ng hiwalayan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez. Naging ugat umano ng kanilang hiwalayan ay ang pagkakaroon ng mga hindi pagkakaintindihan sa pagitan nilang mag-asawa. Pero hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring lumalabas na pahayag mula sa dalawa sa kung anong tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Patuloy na inaabangan ng publiko ang magiging pahayag nina Richard, Barbie, at Annabelle tungkol sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts