Pagdedemanda ni Carlo Aquino sa Ex-Partner Niya na si Trina Candaza, Binalikan
Photo: Carlo/IG
Matapos ang "secret" wedding nina Carlo Aquino at Charlie Dizon, muling binalikan ng mga netizens ang masalimuot na relasyon ng aktor sa kanyang ex-partner na si Trina Candaza.
Matatandaang naghiwalay sina Carlo at Trina noong 2021, ngunit hindi doon natapos ang kanilang isyu dahil nagkaroon sila ng laban para sa kustodiya ng kanilang anak na si Mithi.
Noong nakaraang taon, nakita si Carlo sa Quezon City Regional Trial Court kung saan humihiling siya ng visitation rights para makita ang kanyang anak na si Mithi.
Ayon sa ulat ni Ogie Diaz, pinili ni Trina na manahimik tungkol sa isyu. "Tungkol sa ni-file na visitation rights ni Carlo sa RTC QC, sinabi ni Trina sa akin na ‘yung tungkol doon ay ayaw na muna niyang magsalita, at pipiliin niyang manahimik alang-alang daw kay Mithi," sabi ni Diaz.
Nagbigay ng ilang pahayag si Carlo na hindi siya pinapayagang makita ang kanyang anak, kahit na siya lamang ang sumusuporta kay Mithi. Gayunpaman, ipinaabot ni Trina ang kanyang pagkadismaya sa mga pahayag ni Carlo, na tila pinapalabas na hindi siya nagtratrabaho para sa kanilang anak.
"‘Yung mga headline na hindi ko raw pinapahiram si Mithi at siya raw ang bumubuhay sa aming dalawa… Nakaka-offend sa part ko ‘yun, kasi nagtatrabaho rin ako," ani Trina.
Ipinahayag din ni Trina ang kanyang kagustuhan na huwag ipakilala ni Carlo si Mithi kay Charlie dahil ayaw niyang magbigay ng maling halaga sa kanilang anak.
"Ang sa akin lang, kapag kukunin niya si Mithi, gusto ko, si Mithi lang sana. Mamili siya kung kanino niya i-spend ‘yung time niya. Sa daughter niya, sa new girl niya, o sa friends niya. I think Mithi doesn’t deserve na may kahati sa time," paliwanag ni Trina.
Dagdag pa niya, "Respect na lang sa akin, na huwag munang ipakilala si Mithi sa mga panibagong partner. Kasi ayaw ko ring i-instill sa utak ng anak ko, sa values niya, na okay lang magpapalit-palit ng partner. If ever man dumating ‘yung panahon na may papakasalan na siya, siguro ‘yun kailangan na namin magkita kita."
No comments:
Post a Comment