Ogie Alcasid May Patama Kay Vice Ganda at sa mga Basher Nito

 



Ogie Alcasid May Patama Kay Vice Ganda at sa mga Basher Nito

Photo: Ogie/IG


Matapang na dinepensahan ni Ogie Alcasid ang kanyang kaibigan at co-host sa "It's Showtime" na si Vice Ganda laban sa mga bashers. 


Sa kanyang post sa X, diretsahang sinagot ni Ogie ang isang basher na nagsasabing ginawa lamang umano siyang katawa-tawa ni Vice sa kanilang show. Naglabas ng mahabang pahayag si Ogie upang ipagtanggol si Vice, at ipahayag ang kanyang suporta at pagmamahal para sa kaibigan.


"This is long overdue. There is a friend I know who comes to work only having the sole intention of making people happy. This person takes it all- for the team, for the show, and for the madlang pipol,” saad ni Ogie. 


Dagdag pa niya, “This is why I stand for this friend of mine, imperfect as she is. Love you meme @vicegandako.”


Sa kanyang mensahe, ipinakita ni Ogie ang kanyang paggalang at pagkilala sa dedikasyon ni Vice Ganda sa kanyang trabaho at sa pagpapasaya ng mga tao. Ang kanyang pagtindig para sa kaibigan ay nagbigay inspirasyon sa maraming tagasuporta ni Vice Ganda, na nagpahayag din ng kanilang suporta at pagmamahal para sa komedyante.


1 comment:

Popular Posts