Niño Muhlach May Banat sa Relasyon ng Amang 82-Year-Old sa Isang 30-Year-Old na Babae





Niño Muhlach May Banat sa Relasyon ng Amang 82-Year-Old sa Isang 30-Year-Old na Babae

Photo: Niño Muhlach/IG


Nagbigay ng pahayag si Niño Muhlach tungkol sa relasyon ng kanyang amang si Alexander Muhlach, 82 anyos, sa isang 30-year-old na babae. Sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files ng PEP.ph kay Alexander Muhlach, kinumpirma niyang karelasyon niya si Mae Fortaleza, na 30 anyos. Ayon kay Alex, sampung taon na silang magkasama ni Mae. "Ten years na kami ni Mae at 52 years lang ang agwat ng aming edad," pag-amin ni Alex sa panayam noong Hunyo 3, 2024, via video call.


Ang ama ni Niño Muhlach ay dating artista at kapatid nina Amalia Fuentes at Alvaro Muhlach. Bagamat hindi siya gaanong sumikat sa industriya, naging usap-usapan ang kanyang relasyon sa isang mas batang babae. Sa panayam ni Boy Abunda sa "Fast Talk," nagbigay din ng reaksyon si Niño Muhlach tungkol dito. Ayon sa kanya, walang problema sa kanya ang relasyon ng ama basta't masaya ito.


Pinasalamatan pa ni Niño si Mae dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanyang ama. Ayon kay Niño, nakita niya kung paano isinakripisyo ni Mae ang kanyang prime years para sa kapakanan ng kanyang ama. "She gave her best years of her life para alagaan si Papa. Yung prime years ng buhay niya, she gave it up para kay Papa. They’ve been together since she was 20," ani Niño.


Sa kabila ng malaking agwat ng edad, tinanggap ni Niño ang relasyon ng kanyang ama at pinahahalagahan niya ang kaligayahan nito.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts