Nikko Natividad Naglabas ng Saloobin Kaugnay sa Kanyang Viral at Buradong Post

 



Nikko Natividad Naglabas ng Saloobin Kaugnay sa Kanyang Viral at Buradong Post

Photo: Nikko Natividad/IG


Naglabas na ng kanyang saloobin si Nikko Natividad kaugnay sa kanyang viral ngunit buradong post tungkol sa dalawang contestant na tila may pinapatamaan rin. Sa kanyang pahayag, malinaw na ipinahayag ni Nikko na hindi siya nagsisisi sa kanyang naging aksyon na magsalita ng kanyang damdamin. Ani niya, "For the last time na magsasalita ako tungkol sa nakaraan kong post. Unang una sa lahat hindi ako nagsisisi na nagsalita ako ng sarili kong saloobin. Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao."


Pinunto rin ni Nikko na nababasa niya ang mga komento ng mga tao na nagsasabing dapat siyang mawalan ng trabaho dahil lamang sa kanyang post. Ngunit para kay Nikko, ang pagsasalita ng kanyang damdamin ay hindi tungkol sa pagkuha ng simpatiya o pakikisali sa gulo, kundi para makatulong na maayos ang sitwasyon. "Kung ikekwento ko ba pinagdaanan at iniyak ko sakanila magbabago ba tingin nyo sakin? Pero hindi naman yun ang intensyon ko na kumuha ng simpatya o makisali lang sa gulo. Naglabas ako ng saloobin ko dahil baka sakaling makatulong na may maayos o mabago na sitwasyon."


Dagdag pa niya, binura ang post sa desisyon ng management, ngunit nananatili siyang tapat at bukas sa kanyang sinabi. "Kasi ganun naman ang pamilya at kaibigan. Tatapikin ka kapag alam mong sumosobra o medyo nagkakamali na. Hindi po ako naghahanap ng kaaway, ang pagkakabura po ng post ko ay management decision, tunay at bukas sa isip at puso ko ang sinabi ko, payapa ang aking kalooban."


No comments:

Post a Comment

Popular Posts