MTRCB Chairperson Lala Sotto Mukang Pakikiilaman Diumano ang Isyu ng It's Showtime na Kasangkot si Vice Ganda

 



MTRCB Chairperson Lala Sotto Mukang Pakikiilaman Diumano ang Isyu ng It's Showtime na Kasangkot si Vice Ganda

Photo: Lala Sotto/IG


Nagsalita na si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto kaugnay sa kinasasangkutan na isyu ngayon ng It's Showtime. Sa recent Showbiz Update Vlog ni Ogie Diaz, ibinahagi ng komedyante na nahingan niya ng reaksyon si Lala tungkol sa naturang isyu.


Ayon kay Lala, “I don't have an official statement. But in my opinion, the hosts acted appropriately on the given situation.” Ang pahayag na ito ay nagbibigay linaw na sa kanyang pananaw, tama ang naging aksyon ng mga host ng It's Showtime sa insidenteng naganap.


Matatandaan na noong Mayo 31, 2024, sa episode ng EXpecially For You ng It's Showtime, naging usap-usapan ang pagsita ni Vice Ganda sa guest na si Axel dahil sa tila nagnakaw ng halik sa babaeng searchee. Ang aksyon na ito ni Vice Ganda ay nagdulot ng sari-saring reaksyon mula sa publiko, kaya't kinailangan na rin ng opinyon mula sa MTRCB tungkol dito.


1 comment:

  1. I salute you Madam Lala Sotto for your fair reaction.

    ReplyDelete

Popular Posts