Miles Ocampo Diumano May Banat sa 'Pataba' Joke ni Joey de Leon

 




Miles Ocampo Diumano May Banat sa 'Pataba' Joke ni Joey de Leon

Photo: Miles Ocampo/IG


Sa wakas ay nagsalita na si Miles Ocampo kaugnay sa usap-usapang "pataba" joke ni Joey de Leon kamakailan sa *Eat Bulaga*. Matatandaan na sa isang episode ng *Eat Bulaga*, binati nila si Miles sa kanyang kaarawan. “Wala akong masabi kundi pataas! Pataas ‘yung edad eh,” sabi ni Tito Sotto. Ngunit biglang hirit ni Joey: “Pataba! Ay pababa,”


Sa isang panayam, nagpahayag na si Miles hinggil sa isyu. “Sa Dabarkads, bawal ang pikon do’n. Sanayan lang sa mga bawat banat at hirit ng isa’t isa… so walang problema po,” sabi ni Miles sa media conference ng kanyang upcoming teleserye na "Padyak Princess."


“Actually si Boss Joey, naapektuhan din kasi nga, (sabi niya) ‘bakit galit ‘yung mga tao sa akin?’ eh segment naman po namin sa *Eat Bulaga* ‘yung ‘pataas, pababa,’” dagdag pa niya. Matapos daw ng joke na iyon ni Joey, nag-sorry raw ito sa kanya: “Sabi ko kay Boss Joey, ‘okay na po ‘yun, sadyang ang mga tao talaga ngayon ay mabilis makahanap ng mali, kaya napupuna agad.’ Pero sabi ko, wala pong problema.”


Pinahayag ni Miles na naunawaan niya ang konteksto ng biro at walang personal na galit o sama ng loob laban kay Joey de Leon. Ang kanyang tugon ay nagpapakita ng kanyang propesyonalismo at positibong pananaw sa mga ganitong insidente sa industriya ng showbiz.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts