Melai Cantiveros Iniisip Baka Ma Offend si Ai Ai Delas Alas kung Sakali na I-offer sa Kanya ang 'Tanging Ina' Remake

 


Melai Cantiveros Iniisip Baka Ma Offend si Ai Ai Delas Alas kung Sakali na I-offer sa Kanya ang 'Tanging Ina' Remake

Photo: Ai-ai/IG


Sa mediacon na ginanap noong Hunyo 26, 2024 para sa kanyang bagong talk show na "Kuan-On-One," tinanong si Melai Cantiveros ni Michael Almazen kung tatanggapin ba niya ang remake ng pelikulang “Tanging Ina” na unang pinagbidahan ni Ai Ai Delas Alas noong 2003. Ang naturang pelikula ay isang malaking tagumpay at naging daan para sa pagsikat ni Ms. Ai Ai bilang isang komedyante.


Ayon kay Melai, ikatutuwa niya kung sakaling ialok sa kanya ang proyektong ito, ngunit hindi niya umano gustong i-bypass si Ms. Ai Ai Delas Alas. “Kung i-offer sa’kin, why not? Sobrang happy pero hindi natin i-bypass si Ms. Ai Ai Delas Alas,” ani Melai. Dagdag pa niya, si Ms. Ai Ai talaga ang Queen of Comedy at maraming napatunayan na. Inalala rin ni Melai na mayroon pang ibang komedyanteng tulad nina Pokwang at Eugene Domingo na maaaring isaalang-alang.


“Siya talaga ang ating Queen of Comedy. Dami niya ng napatunayan. Nandyan pa si Ate Pokey (Pokwang), sina Eugene Domingo. Kaya kung ikuwan, why not? Pero wala tayong ma-hurt na tao,” pahayag pa ni Melai. Pinilit ni Melai na ipaliwanag na papayag siya na gawin ang “Tanging Ina” sa kondisyon na walang masasaktan.


Sa pagtatapos ng kanyang sagot, nagbiro pa si Melai na maaari siyang gumawa ng isang pelikula na may pamagat na “Kuan ng Ina” bilang alternatibo.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts