Luis Manzano Napikon Diumano Dahil sa 'Tikiman Isyu' Nila Noon Ni Keanna Reeves

 






Luis Manzano Napikon Diumano Dahil sa 'Tikiman Isyu' Nila Noon Ni Keanna Reeves

Photo: Luis/IG

Ibinunyag ni Keanna Reeves ang dahilan kung bakit siya 'banned' sa mga shows ni Luis Manzano, na umanoy nag-ugat sa kontrobersiyal na 'tikiman isyu'. Sa panayam ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel noong Hunyo 3, 2024, muling binalikan ni Keanna ang isyung kinasangkutan nila ni Luis Manzano.


Si Keanna Reeves, isang kilalang sexy star at dating escort, ay naging usap-usapan matapos niyang banggitin sa isang programa ni DJ Mo na mayroon siyang mga karanasan sa ilang male celebrities. Isa sa mga ito ay ang 'lalaki na mahilig kumain ng noodles', na hinala ng netizens ay si Luis Manzano. Ang naturang pahayag ay naging dahilan upang magalit si Luis sa aktres.


Ayon kay Keanna, nagsimula ang lahat sa nasabing programa kung saan tinanong siya kung may mga male celebrities na ba siyang 'natikman'. Sa kanyang pagiging prangka, inamin niyang may ilan na nga, kabilang si Luis Manzano. Ang isyu ay naging trending at nakilala ng mga tao na si Luis ang tinutukoy niya.


Kwento ni Keanna, naging malapit sila ni Luis noon, at madalas siyang guest sa mga pilot episodes ng mga game shows na hinahost nito sa ABS-CBN. Subalit, matapos lumabas ang isyu, sinabi ni Keanna na nagalit si Luis at simula noon ay naka-ban na siya sa mga shows nito. Ayon sa kanya, nagkaroon ito ng malaking epekto sa kanyang karera dahil sa dami ng shows na hinahost ni Luis.


“May hindi magandandang naidulot sa akin ‘yung nagalit sa akin si Luis. Kasi ‘di ba lahat ng game show sa ABS-CBN si Luis ang host? ‘Di ba ang dami-dami niyang shows. ‘E dati nu’ng hindi pa kami nagkaproblema, lagi akong pilot episode niya lagi akong line up sa guesting niya. So mula nang lumabas ang issue na ‘yun as in naka-ban na ako sa mga shows niya.” dagdag ni Keanna.


Gayunpaman, inamin ni Keanna na hindi niya pinagsisisihan ang nangyari dahil matagal na itong isyu. Ngunit, malinaw na naging malaki ang epekto nito sa kanyang trabaho sa industriya.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts