Labanan ng Kaso! Ogie Diaz Hinding-hindi Aatrasan si Bea Alonzo

 



Labanan ng Kaso! Ogie Diaz Hinding-hindi Aatrasan si Bea Alonzo


LOOK: Bukod kay Ogie Diaz, nag-file din ng counter affidavit laban sa isinampang cyberlibel complaint ni Bea Alonzo si Mama Loi sa QC RTC ngayong Martes, June 18. Sa inilabas na statement ng lawyer nina Ogie at Mama Loi na si Reggie Tonggol, sinabi niyang walang basehan ang isinampang kaso ni Bea laban sa dalawa.


Kasama umano sa ikinaso ni Bea ang isang video noong Nobyembre 2022, na lumagpas na sa one-year period ng Cyberlibel. Hindi rin umano maayos na naipaliwanag ng kampo ni Bea kung paano naging malisyoso at pagpapalaganap ng kasinungalingan ang kanilang komento, gayong totoong komento naman ng netizens ang binasa nila para umano sa serye niyang Start-Up. Hindi rin umano malisyoso ang naging komento nina Ogie kay Bea patungkol sa pagiging second choice lamang ito kay Marian Rivera, lalo pa’t si Marian naman talaga ang tunay na reyna ng GMA.


Lalabanan din nina Ogie ang P30M na hinihinging danyos ni Bea Alonzo mula sa kanila dahil, unang-una, ay public figure siya at hindi maiiwasang mapag-usapan ang mga isyu niya online. Ayon sa kanilang kampo, bahagi ng pagiging public figure ang pagtanggap sa mga komentaryo at opinyon ng publiko, lalo na’t ito ay bahagi ng malayang pamamahayag. 


Photo: Ogie and Bea/IG


#Cyberlibel #BeaAlonzo #OgieDiaz #MamaLoi #LegalBattle #PublicFigures #FreedomOfSpeech #GMA #MarianRivera #EntertainmentNews #CourtCase

No comments:

Post a Comment

Popular Posts