Kyle Echarri Na Curious at Kinagiliwan ang Pagli-lipstick

 



Kyle Echarri Na Curious at Kinagiliwan ang Pagli-lipstick

Photo: Kyle/IG

Video: Kyle/IG


Hinangaan ng marami ang aktor na si Kyle Echarri dahil matapang itong gumamit at nag-endorso ng isang lipstick brand. Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ng aktor ang paggamit niya ng lipstick para sa isang make-up brand habang wala itong suot na pang-itaas.


Kaya naman sey ng ilang netizens: “Kyle is giving us DIVERSITY. Opening minds na ang lipstick at make-up ay hindi lang pang babae. LALO KANG PUMOPOGI SA MGA GINAGAWA MO KYLE ECHARRI I LOVE YOU,” comment ng isang netizen. “Shit parang ako yung hinalikan HAHAHAHAH,” sey naman ng isa.


“Oi sa totoo lang it’s a brave move tong advert na to saying that makeup is for everyone,” sabi naman ng isang follower. Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang suporta at paghanga kay Kyle, na nagpakita ng pagiging bukas sa bagong ideya at nagbigay inspirasyon sa iba.


Ang hakbang na ito ni Kyle ay hindi lamang isang paraan ng pag-endorso ng produkto kundi isang pahayag na ang kagandahan at pag-aalaga sa sarili ay hindi dapat limitado sa anumang kasarian. Sa kanyang pagiging matapang at bukas sa mga ganitong ideya, mas lalong tumaas ang respeto at paghanga ng kanyang mga tagahanga sa kanya.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts