Kris Aquino Kinumpirma na Mayroon na Itong Bagong Nobyo

 





Kris Aquino Kinumpirma na Mayroon na Itong Bagong Nobyo

Photo: Kris/IG


Ibinulgar ni Kris Aquino na mayroon na siyang bagong pag-ibig. Wala umanong overlapping na nangyari sa pagitan nina Mark Leviste at ng kanyang bagong nobyo. Isa umanong doktor ang bagong pag-ibig ni Kris na naka-assign sa isang ospital sa Makati.


Eksklusibong nakapanayam ni Ogie Diaz ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Sa nasabing panayam, kasama rin ni Kris ang anak na si Bimby na siyang alalay nito simula pa noong nagtungo ang actress-host sa ibang bansa para sa kanyang gamutan. Isang bagong rebelasyon ang nalaman ng madla mula mismo kay Kris. Ayon kay Kris, hindi na dapat pang tanungin ni Mark Leviste tungkol sa kanyang kalagayan dahil matagal na silang walang komunikasyon. Nobyembre pa lang umano ng taong 2023 ay hiwalay na sila.


“Huwag niyo na siya tanungin kung kumusta ako kasi hindi naman niya (Mark Leviste) talaga alam kung kumusta na ako… kasi wala nang communication,” ani Kris. Bunsod ng usaping pag-ibig, naitanong na rin ni Ogie kung kamusta na ang buhay pag-ibig ngayon ng aktres.


Ayon kay Kris, mayroon na umano siyang bagong pag-ibig. “He’s a doctor based in the Philippines in Makati,” masayang pahayag ni Kris. Ito umano ang rason kung bakit malakas ang loob ng actress-host na umuwi sa Pilipinas sakaling maging maganda ang mga isasagawa sa kanyang gamutan. Kaagad din nilinaw ni Kris na ang bago niyang pag-ibig ay hindi rason ng paghihiwalay nila ni Mark.


“Hindi sila nagkasabay. May malaking gap naman (mula Pebrero) at hindi sila nagkasabay. Walang nag-overlap at hindi siya yung dahilan kung bakit hindi kami naging okay. I feel na aalagaan niya ako and important ‘yun sa taong may nararamdaman na mahirap gamutin. Kasi you need someone na pwede mong masandalan. ‘Yun lang yun siguro,” paliwanag ni Kris.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts