Kim Chiu May Banat sa mga 'Cheater' sa 'EXpecially For You' Segment ng It's Showtime




Kim Chiu May Banat sa mga 'Cheater' sa 'EXpecially For You' Segment ng It's Showtime


Sa segment na 'EXpecially For You' sa It's Showtime, isang matinding pagtatapat ang naganap sa pagitan ng mga participants na sina Lester at Nicole. Sa kanilang pag-uusap, ibinunyag ni Lester na nabasted siya ni Nicole noon dahil mas gusto nito ang mga badboy. 


Ayon kay Nicole, "‘Yung badboy po kasi gusto ko yung laging nang-aasar, tapos 'yong itsura palang masasabi mo na ‘Ay, badboy,’ ang lakas ng dating, ma-porma, 'yong lakad." Sa puntong ito, nagkomento si Kim Chiu ng may halong pangungutya, "Ayaw niyo ng mabait tapos 'pag niloloko kayo ng [badboy] ayaw niyo din naman."


Sinundan naman ito ni Vice Ganda na may parehong tono ng pagtuligsa, "Ayaw niyo sa mabait tapos pag niloko ‘Huhu ang sama sama niya." Ang mga komento nina Kim at Vice ay tila nagpapatama sa kalakaran ng ilang tao na mas pinipili ang mga badboy kahit na nauuwi sa sakit ng kalooban.


#ItsShowtime #KimChiu #ViceGanda #EXpeciallyForYou #LoveConfessions

No comments:

Post a Comment

Popular Posts