Kim Chiu May Banat sa Hiwalayan nila Ni Xian Lim

 



Kim Chiu May Banat sa Hiwalayan nila Ni Xian Lim

Photo: Kim Chiu/IG


Sa wakas, nagsalita na si Kim Chiu kaugnay sa hiwalayan nila ng aktor na si Xian Lim. Sa isang panayam ng ABS-CBN News, ibinahagi ni Kim ang kanyang saloobin at sinabi na hindi na sana siya magsasalita tungkol sa isyu. 


"Entering 2024, sabi ko talaga I just want a fresh start, new beginning and I don’t want to dwell sa past... Parang 'yung post ko nung December sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito. Pero parang ang dami pa rin. Parang hindi naman siya mapag-uusapan kung no one’s lighting the fire," pahayag ni Kim.


Si Kim at Xian ay 12 taon nang magkasama bilang magkasintahan at kinumpirma nila ang kanilang paghihiwalay bago mag-Pasko. Ani Kim: "It was our mutual decision to transition our relationship into what we hope to be a lifelong friendship."


Umaasa rin si Kim na sana ay hindi na magbibigay pa ng ibang pahayag ang kanyang dating kasintahan: "It ended, the journey was beautiful. Ayaw ko nang maging masama 'yung loob ko."


Dagdag pa ng aktres: "Kasi paulit-ulit na lang. Let’s give it a rest and let’s leave respect to each other."


No comments:

Post a Comment

Popular Posts