Jiro Mas Gugustuin Mag Apply ng Trabaho kay Rosmar Tan Bilang Isang Service Crew Kaysa Magutom

 


Jiro Mas Gugustuin Mag Apply ng Trabaho kay Rosmar Tan Bilang Isang Service Crew Kaysa Magutom


Dating child star na si Jiro Manio, nag-apply ng trabaho kay Rosmar Tan. Tila wala pa ring nagtitiwala sa dating aktor dahil nahirapan umano itong makahanap ng trabaho. Sa pinakabagong post ni Rosmar Tan sa kanyang social media account, makikita ang mga screenshot ng kanilang pag-uusap. Ang buong akala ni Jiro ay hindi siya kilala ni Rosmar kaya nagpakilala pa ito.



Ayon kay Rosmar, kilala niya ang aktor dahil napapanood niya ito noon. Pagtatapat ni Jiro sa online personality, nangangailangan siya ng trabaho para masuportahan ang pag-aaral ng kanyang anak. Tuwirang nag-apply ng trabaho ang dating child aktor sa negosyante. Ayon kay Jiro, “Maam baka may trabaho ka para sa akin… para lang may maigastos ako sa anak ko sa pag-aaral.” 



Kaagad na sumagot si Rosmar sa mensaheng ito ni Jiro at tinanong kung okay ba rito ang pagiging isang service crew. Ayon kay Jiro, kahit anong trabaho ay papasukin niya para sa kapakanan ng kanyang anak na nag-aaral. Natuwa naman si Rosmar sa sagot ni Jiro at kaagad itong tinanggap. Maaari na umanong magsimula ang aktor sa trabaho bukas sa isang branch ng kanyang tindahan sa Laguna. Stay-in ang aktor at libre ang pagkain, na nagbigay ng malaking ginhawa kay Jiro. 


Photo: User/FB


#JiroManio #RosmarTan #ServiceCrew #SecondChance #InspiringStory

No comments:

Post a Comment

Popular Posts