Jaze at Kulot ng It's Showtime Bonggang Level Up ang Galing sa Pag-arte

 



Jaze at Kulot ng It's Showtime Bonggang Level Up ang Galing sa Pag-arte

Photo: It's Showtime/YT


Pinahanga ng mga It's Showtime Kids na sina Kulot at Jaze ang maraming netizens dahil sa kanilang kahusayan sa pag-arte. Sa May 27 episode ng It's Showtime, sa segment na "Showtime Bulilit," nagbatohan ng linya sina Jaze at Kulot mula sa pelikulang "Batang PX" na ginampanan nina Zsa Zsa Padilla at Patrick Garcia noong 1997.


Habang nagpapalitan ng linya sina Jaze at Kulot, tumulo ang kanilang mga luha, na nagdulot ng ilang segundong katahimikan mula sa mga host at audience bilang tanda ng paghanga sa kanilang talento. "Wow! Grabe!" sabi ng mga host ng It's Showtime. "Wala munang sasagot. Let's appreciate them. Hindi niyo kaya 'yung mga bata," sabi ni Vice Ganda. Dagdag pa ni Amy Perez, "Palakpakan natin si Jaze and Kulot. Grabe 'yung iyak ni Jaze. Ang haba ng linyahan ni Kulot."


Ang emosyonal na pagtatanghal nina Jaze at Kulot ay nagpakita ng kanilang husay sa pag-arte, na nagdulot ng paghanga mula sa mga manonood at tagasubaybay ng programa. Ang kanilang natural na pagganap ay patunay ng kanilang potensyal bilang mga batang artista sa industriya ng telebisyon at pelikula.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts