Ina ni Yen Santos Nagsalita: Walang Relasyon Sina Yen at Paolo Contis

 



Ina ni Yen Santos Nagsalita: Walang Relasyon Sina Yen at Paolo Contis

Photo: Yen Santos & Pailo Contis/IG


Nagsalita ang ina ni Yen Santos hinggil sa isyu ng umano'y relasyon ng kanyang anak sa aktor na si Paolo Contis. Itinanggi ng ina ni Yen na nagkaroon ng anumang romantikong ugnayan ang dalawa, at lalo na ang usapin ng pagli-live-in. Ayon sa kanya, walang katotohanan ang mga balitang nag-uugnay kay Yen kay Paolo bilang dahilan ng hiwalayan ni Paolo at ng dating partner nito na si LJ Reyes. Ginamit ang Youtube channel na “Jobert and Chaps Channel” upang pabulaanan ang mga malisyosong spekulasyon.


Sa panayam, ikinuwento ni Jobert na tinawagan niya mismo ang ina ni Yen, na kilala niya nang mahigit sampung taon, upang tanungin ang totoo sa likod ng mga balita. Ani Jobert, tinanong niya si Mommy Lilian, ina ni Yen, tungkol sa isyu ng hiwalayan nina Yen at Paolo. "Nanay din kasi ang tawag sa akin," sabi ni Jobert, kaya't direkta niyang inusisa si Mommy Lilian. Ang sagot nito, "Nanay naman, pati ba naman ikaw naniwala? Never namang naging sila."


Nagpatuloy pa si Jobert sa pagtatanong upang mas klaruhin ang sitwasyon. Tinatanong niya kung nagli-live-in nga ba sina Yen at Paolo. Mariin itong itinanggi ni Mommy Lilian, na nagsabing walang naganap na pagli-live-in o relasyon sa pagitan ng dalawa. Sa kabila ng mga isyu at kontrobersya, nanindigan ang ina ni Yen na walang katotohanan ang mga balitang ito at na nananatiling magkaibigan lamang sina Yen at Paolo.


Maalala na noong January 30, 2023, sa isang episode ng "Fast Talk with Boy Abunda," inamin ni Paolo Contis na espesyal ang relasyon nila ni Yen Santos. Subalit, sa kabila ng kanyang pahayag, malinaw na nanindigan ang ina ni Yen na walang namagitan na romantikong ugnayan sa kanila. Ang mga pahayag na ito mula sa ina ni Yen ay naglalayong tapusin ang mga maling espekulasyon at linawin ang totoong sitwasyon.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts