Ina ni Sarah nasi Esther Lahbati, May Diretsahang Patama kay Annabelle Rama




Ina ni Sarah nasi Esther Lahbati, May Diretsahang Patama kay Annabelle Rama

 Photo: Annabelle Rama/IG


Nagbigay ng tugon si Esther Lahbati sa isang netizen na nagsabing dapat niyang tingnan ang mga post ni Annabelle Rama sa Facebook.


Sa seksyon ng komento sa Instagram, isang netizen ang nagmungkahi kay Esther, ina ni Sarah Lahbati, na silipin ang mga bagong post ni Annabelle tungkol sa isang “Chuckie,” na pinaniniwalaang patama laban sa kanya.


“Tingnan niyo po ‘yung post ni Ms. Annabelle Rama sa Facebook oh,” sabi ng netizen.


“Bakit, no need, abala lang sa akin. Thank you,” sagot ni Esther.



Matatandaang ilang beses nang nagpahayag si Annabelle ng patama sa isang taong tinawag niyang “Chuckie” at nagbigay pa ng palatandaan na nagsisimula sa letrang “E” at hindi sa letrang “S” ang pangalan nito.


Maraming netizens ang naniniwalang si Esther ang tinutukoy ni Annabelle dahil sa mga nakaraang pahayag nito laban sa ina ni Sarah.


Habang sina Sarah at Richard ay hindi nagbabangayan, napansin ng mga netizens na ang kanilang mga magulang ay aktibong nagpapalitan ng mga patama sa social media.


Sa kasalukuyan, wala pang tugon si Annabelle sa komento ni Esther.





No comments:

Post a Comment

Popular Posts