Ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco Naintriga sa Pagkanta ni Stell SB19 ng ‘All By Myself’

 


Ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco Naintriga sa Pagkanta ni Stell SB19 ng ‘All By Myself’


Nagtrending ang performance ni Stell Ajero, miyembro ng SB19, sa concert ni David Foster sa Araneta Coliseum noong June 18, 2024. Sa video na ibinahagi ni Stell, maririnig ang hiyawan ng mga tao dahil sa kanyang kamangha-manghang boses habang kinakanta ang “All By Myself.” Ayon kay Stell, ibinigay niya ang kanyang best sa performance na ito dahil minsan lang ang pagkakataong makasama sa stage ang sikat na Canadian record producer na si David Foster.


Napanood ng ina ni Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) na si Raquel Pempengco ang nasabing performance at ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook account. Sa kanyang caption, nagbigay siya ng opinyon na magaling si Stell at mala-Jed Madela ang dating, ngunit idiniin niya na hindi pa rin ito maikukumpara sa talento ng kanyang anak na si Charice Pempengco. "𝐆𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐦𝐨 𝐝𝐢𝐧 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐚𝐨...𝐦𝐚𝐠 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐏𝐄𝐌𝐏𝐄𝐍𝐆𝐂𝐎 𝐤𝐚 𝐮𝐥𝐢𝐭...𝐡𝐚𝐡𝐚𝐡𝐡𝐚 𝐣𝐨𝐤𝐞 𝐥𝐚𝐧𝐠...𝐏𝐞𝐫𝐨 𝐢𝐧𝐟𝐚𝐢𝐫𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐢 𝐒𝐭𝐞𝐥𝐥 𝐀𝐣𝐞𝐫𝐨...𝐌𝐚𝐥𝐚 𝐉𝐞𝐝 𝐌𝐚𝐝𝐞𝐥𝐚 𝐝𝐢𝐧...𝐛𝐮𝐭 𝐬𝐭𝐢𝐥𝐥 𝐝𝐨𝐧𝐭 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐚𝐫𝐞 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐈𝐂𝐄.”


Tulad ng inaasahan, umani ng sari-saring reaksyon ang post ni Raquel Pempengco. May mga nagkomento na hindi maaring ikumpara sina Stell at Charice dahil magkaiba sila ng estilo sa pagkanta. Mayroon ding mga tagasuporta ni Stell na nagsabing pareho silang magaling sa kani-kanilang paraan at dapat silang suportahan ng pantay. Ang mga ito ay nagpapakita ng pagmamahal at suporta ng mga netizens para sa dalawang magkaibang talento. 


#StellAjero #SB19 #RaquelPempengco #AllByMyself #DavidFoster


No comments:

Post a Comment

Popular Posts