Ilang Mga Netizens, Ipinagtanggol ang Pari na Nag-viral Matapos Mag-misa ng Wala pa ang Bride sa Altar sa Kasal

 



Ilang Mga Netizens, Ipinagtanggol ang Pari na Nag-viral Matapos Mag-misa ng Wala pa ang Bride sa Altar sa Kasal

Photo: User/FB


Nag-viral ang isang kasalan sa Amlan noong Hunyo 8, 2024, matapos magreklamo sina Jove Deo Sagario at Janine Seit Suelto-Sagario sa social media tungkol sa umano'y pagmamadali ng pari na si Rev. Fr. Jovencito Kho. Ang kanilang reklamo ay nagsasaad na minadali ni Fr. Kho ang seremonya dahil sa pagkahuli ng mag-asawa ng isang oras sa nakatakdang oras ng kasal.


Bagama’t nakatanggap ng matinding batikos si Fr. Kho mula sa mga netizens dahil sa kanyang naging asal, may ilan ding mga debotong Katoliko ang naniniwalang may mabuting dahilan ang pari para madaliin ang kasal dahil sa masikip na iskedyul ng simbahan.


Ilang netizens na personal na nakakakilala kay Fr. Kho ang naglarawan sa kanya bilang isa sa pinakamagagaling na pari sa kanilang probinsya. Sila ay nagsabing ang pagmamadali ay bunga lamang ng maling impormasyon na natanggap ng mag-asawa mula sa isa sa mga sponsors, na nagsabing na-reschedule ang kasal.


Bukod pa rito, isang netizen ang nagbahagi ng karanasan kung saan mabilis na tumakbo si Fr. Kho sa ospital upang bisitahin ang kanyang amang may sakit. "Sa tingin ko nagkamali siya pero hindi naman umabot sa punto na siya lang ‘yung walang modo," pahayag ng netizen.


Sa kabila ng kontrobersya, nanatiling may mga nagtatanggol kay Fr. Kho na naniniwala sa kanyang mabuting intensyon at dedikasyon bilang isang pari. Ayon sa kanila, ang insidente ay isang simpleng hindi pagkakaunawaan na pinalala ng maling impormasyon.


No comments:

Post a Comment