Sa isang panayam kamakailan sa "Roundtable with Roby" ng One News PH sa YouTube Channel, ibinahagi ni Ice Seguerra ang kanyang di-inaasahang karanasan sa simbahan na nagdulot sa kanya ng traumang hindi niya inaasahan.
Ayon sa sikat na mang-aawit, kasama ang kanyang asawang si Liza, naroon sila sa isang simbahan at biglang naging paksa ng homily ang tila tumatama sa kanila.
"Medyo na-trauma ako nun sa church. Kasi I remember when we got married, nagpunta kami ng church ni Liza. Ginawa kaming homily," kwento ni Ice.
Napaisip si Ice kung alam ba ng pari na naroon sila o kung pagkakataon lang na ang paksa ng homily ay tila may patama sa kanila. Hindi niya matanggap kung bakit tila mali at masama ang pag-ibig nila sa isa't isa, lalo pa't ang paniniwala niya ay ang Diyos ay pag-ibig.
“Hindi ko naman niloloko yung girl, na bakit mali yong, bakit mali ako, bakit masama ako, bakit pupunta ako sa hell, kung nagmamahal ako, ei diba 'God is love,' ei love itong nararamdaman ko ei, bakit… bakit… parang sumasabog yung utak ko,” pagpahayag ni Ice.
Sa kabila ng naranasang trahedya, nananatili si Ice na positibo at naniniwala na ang personal na ugnayan sa Diyos ay mas mahalaga kaysa sa institusyon ng simbahan para sa kanyang pananampalataya.
Photo: Ice Seguerra/IG
#IceSeguerra #RoundtableWithRoby #OneNewsPH #Simbahan #Homily #Trauma #GodIsLove #PersonalRelationship #LGBTQ+ #LoveIsLove
No comments:
Post a Comment